Tuesday, March 18, 2008

konseptong papel sa filipino

KONSETONG PAPEL SA FILIPINO

Ang pamagat ng aming pag-aaral ay “Ang mga kadahilanan ng mga krimen sa Kamaynilaan.” Ang suliranin na pagtutuunan namin ng pansin ay ang patuloy na paglala ng krimen sa Kamaynilaan. Hangarin ng pag-aaral na ito na matalakay ang kadahilanan ng mga krimen sa Kamaynilaan at makapagbigay soulusyon dito. Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay maiparating sa mga tao ang mga maling gawain nila at mabigyang impormasyon ang mga tao kung paano sila makakaiwas sa anumang krimen at ang mga nasa pamahalaan para makabuo sila ng mga solusyon dito. Ang inaasahan naming resulta sa pag-aaral na ito ay maisip ng mga tao na magbago at hindi tama ang kanilang mga ginagawa para lamang makaraos sa buhay. Inaasahan din namin na mabawasan ang mga krimen sa Kamaynilaan. Gagamitin naming mambabasa o tagatugon sa aming pag-aaral ang mga residente at mag-aaral sa Kamynilaan at ang mga opisyal ng gobyerno. Ang nabuo naming kosepto sa aming pag-aaral ay lubhang nagbibigay dungis sa ating lipunan ang patuloy na paglala ng krimen sa Kamaynilaan. Hindi natin alam kung kailan at kung saan tayo magiging biktima ng krimen.

Paksa: Ang mga Kadahilanan ng Krimen sa Kamynilaan

Tesis: Ang mga krimen sa Kamaynilaan ang nagsisilbing hanapbuhay sa maraming kapus-palad dahil sa kawalan ng trabaho sa ating bansa, paggamit ng ipinagbabawal na gamot at labis na pag-inom ng alak.
I. Mga krimen dahil sa kawalan ng trabaho
A. snatching
B. kidnapping
C. holdup
D. car napping
E. pagnanakaw
F. akyat-bahay


II. Mga krimen dahil sa paggamit ipanagbabawal na gamot
A. rape
B. snatching
C. holdup
D. suntukan
E. barilan
III. Mga krimen dahil sa labis na pag-inom ng alak.
A. car accident
B. rape
C. suntukan
D. barilan
E. saksakan

INTRO:
Kilala ang kamaynilaan bilang sentro ng kalakalan, industriya at sibilisasyon sa pilipinas. Naging bahagi ito sa mayaman na kasaysayan na lunod na pinahahaagahan ng mga Pilipino ngunit sa pagdaan ng panahon, maraming problema ang sumubok sa katatagan ng Maynila. Nagkaroon ng mga krimen na nagbigay dungis sa lipunan na kinagisnan ng maraming Pilipino. Minsan ay nakakabingi nang pakinggan ang mga balita sa telebisyon, parang sirang plaka na, pauli-ulit na lag. Patayan dito, patayan doon! Banggaan dito, barilan doon! walang katapusan na mga krimen. Bakit hindi pa mamulat ang lahat ng tao na masama ang dulot nito sa ating bansa? Nagagawa ba nila ito dahil labis na kahirapan? O di kaya dahil sa pag gamit ng ipinagbabawal na gamot? Dahil sa mga tanong na ito, naisip ng mga mananaliksik na talakayin ang mga kadahilanan ng mga krimen ona nagaganap sa paligid at pilitin na masagot ang mga katanungan na gumugulo sa isipan ng bawat Pilipino.
LAYUNIN:
TIYAK


Malaman ang mga kadahilanan ng paglaganap ng krimen sa Kamaynilaan.
Makapagbigay ng ideya kung paano masosolusyunan ang problema.
Ang mapatunayan ang masamang epekto/naidudulot nito sa mga mamamayan sa Maynila.
PANGKALAHATAN
Makatulong na mabawasan ang krimen sa Kamaynilaan.
Mabigyan ng sapat na edukasyon at trabaho ang lahat ng mamamayan.
Lubusang mawala na ang mga bisyo ng bawat tao.
HALAGA:
Sa kabuuan ang kahalagan ng pag-aaral nga ito ay upang makatulong sa alam na paraan ng mga mananaliksik at upang kahit papaano'y mabawasan at mabigyang solusyon ang pag laganap ng krimen sa kamaynilaan. Bubuksan nito ang bawat isip ng mga taong babasa ng papel sa pananaliksik na ito. Nais ng mga mananaliksik na mapunan ang mga pagkukulang ng ibang mga pag-aaral kaugnay sa napiling paksa. Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil nais ng mga mananaliksik na ipakita na hindi bulag at manhid ang mga pilipino ukol sa krimen sa kamaynilaa.

Metodolohiya
Nagbase kami ng aming pag-aaral sa sarbey mula sa SWS noong nakaraang taon.
“1 sa 10 pamilyang Pinoy nabiktima ng krimen - SWS survey”

02/05/2008 05:03 PM
Isa sa bawat sampung pamilyang Filipino ang nagiging biktima ng pangkaraniwang krimen sa loob ng nakalipas na anim na buwan, o mas mataas ng halos 10 porsyento noong Setyembre ng nakaraang taon, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas nitong Martes.Mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 3, 10.5 porsyento ng mga pamilya ang ninakawan, habang 1.3 porsyento ang sinaktan sa loob ng anim na taon."The December 2007 SWS survey found 8.6% of families victimized by pickpockets and 3.0% victimized by burglary during the past six months. Of those having any type of motor vehicle, 1.9% were robbed of it in the past six months," ayon sa SWS.Isinaad pa nito na ang proporsyon ng mga pamilyang may mahal sa buhay na sinaktan kaugnay ng isang krimen sa loob ng nakalipas na anim na buwan ay nasa 1.3 porsyento."This sums up to 11.5% of families who reported victimization by one of the common crimes. The average number of times victimized was 1.2 per family," sinabi nila.Ipinaliwanag ng SWS na ang mga nabibiktima ng mga pangkaraniwang krimen ay nasa 14.9 porsyento noong Agosto 2004 subalit bumaba sa 8.3 porsyento noong Hunyo 2006. Muling naabot nito ang “double-digit" mula Setyembre 2006 hanggang Pebrero 2007, o nasa pagitan ng 10.7 hanggang 13.2 porsyento.Bahagyang bumaba ito sa 9.6 porsyento noong Setyembre 2007 at umakyat muli sa 11.5 porsyento niing Disyembre.Mula noong 1989, sinumulan ng SWS na tanungin ang mga respondent tuwing apat na buwan kung mayroong isa sa miyembro ng pamilya ang ninakawan sa labas o loob ng tahanan, o naging biktima ng karahasan sa nakalipas na anim na buwan.Noong 1992, idinagdag ng SWS ang mga krimen na naganap habang nasa sasakyan.Ayon pa sa SWS, tumaas sa 16.3 porsyento nitong Disyembre mula 9.3 porsyento noong Setyembre ang bilang ng mga nadudukutan sa Metro Manila.Sa labas ng Kamaynilaan, mababa sa 10 porsyento ang bilang ng mga naduduktan sa Luzon (8.7 porsyento), Mindanao (6.7 porsyento) at Visayas (5.3 porsyento) noong Disyembre.Samantala, ang mga pamilyang nilooban sa nakalipas na buwan ay umabot sa 5.0 porsyento sa Metro Manila, 3.3 porsyento sa kabuuan ng Luzon, 2.3 porsyento sa Mindanao, at 1.7 porsyento sa Visayas.Ang Fourth Quarter Social Weather Survey noong 2007 ay gumamit ng face-to-face interview sa may 1,200 tao na pinaghati-hati sa tig-300 sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.Mayroong sampling error margins na ±3% ang survey para sa national percentages at ±6% para sa area percentages. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV

Reference: http://www.gmanews.tv/story/79372/1-sa-10-pamilyang-Pinoy-nabiktima-ng-krimen---SWS-survey


REBYU O PAG-AARAL
Ayon sa nabasang artikulo ng mga mananaliksik na may pamagat na “Ang Lumalalang Krimen sa Bansa”, mismong ang gobyerno ang gumagawa ng krimen sa ating bansa. Halimbawa na rito ay ang dating Pangulong Erap Estrada. Hindi ba’t nakusahan siyang nagnakaw ng pera sa ating bayan? Ayon pa dito, “Hindi alam ng pitak na ito ang tamang kasagutan sa mga katanungang nabanggit. Sapat na marahil na tawagan ang pansin ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa lumalalang krimen at problema ng katahimikan sa bansa sa ngayon. Ito ay isang napapanahong hamon sa ating lahat na nagnanais isulong at ibangon ang gulapay na estado ng bansa --- 103 taon matapos makamit ang kalayaan buhat sa pagkakaalipin at simulang tumindig sa sariling mga paa”.
May mga grupo ring pangmilitar ang nagpapalaganap ng krimen sa bansa. Halimbawa na lang dito ay ang Abu Sayaff. Mayroon silang kidnap-for-ransom na gawain. Binibiktima rin nila ang mga dayuhang dumadalaw sa ating bansa. Walang awa nilang pinapatay ang mga ito. Ano na lamang ang magigigng tingin ng ibang bansa sa atin? Imbis na balik balikan nila ang magagandang tanawin at natatanging kayamanan na maipagmamalaki ng ating bansa ay hindi na sila maeengganyong bumisita dito dahil sa mga nangyayari.
http://www.philippinestoday.net/July2001/saakingpaningin701.htm
New Manila QC: Illegal Settlers
Posted January 15, 2008
Grabe sila mangatwiran.
Hindi naman sa nanglalait ako, or mapagmaliit ako. Alam ko kung ano man ang meron sa akin e dahil sa magulang ko, in short swerte lang ako.
Pero gusto ko lang ilabas ang kaburatan ko sa mga illegal settlers sa New Manila.
Ang mga putangina, nagrereklamo.
Bakit daw ginigiba ang bahay nila? Saan daw sila patitirahin? At kailangan daw ng relocation para sa kanila…Saan daw sila pupulutin…
Favorite line ko kanina sa news, ASAN ANG COURT ORDER PARA GIBAIN ANG BAHAY NAMEN?! (dito lumabas ang sungay ko. Kupaloids ang mga puta. KAFAL!)
Anakng…
Una sa lahat, pasintabi po sa mga menor de edad ah.
Putangina nyo. Ang lakas ng loob nyo na sabihin na bakit ginigiba ang bahay nyo?
Sagot: Gago. Iskwater ka nga e. Hindi iyo yung lupa na tinitirikan ng bahay mo. Trespassing ka bobo. Nung nagtayo ka ba ng bahay dyan, nagpaalam ka sa may ari? Humingi ka ng court order para itayo ang bahay mo dyan?! SAGOT?!?!
Saan kayo papatirahin? Aba dami dami na problema ng gobyerno, makikidagdag pa kayo. Bakit hindi kayo bumalik sa pinanggalingan nyo? Di ba? Common sense? Hello?
Oh don’t tell me na hindi makapal ang mga mukha ng mga yan…
Since illegal settlers sila. That means, illegal ang kuryente, illegal ang koneksyon ng tubig. At malamang hindi lang isa ang cable provider nila.
Di ba? Talo pa ang mga nagpapakahirap magtrabaho, na minsan wala ngang cable, pero sila can afford to have 3 cable providers.
Saan ka pa?!
Ang sama pa nito, baka tinalo pa ang iba sa atin pagdating sa internet connection. Baka sila naka broadband na. Samantalang kami ni Scarlett, dial up for life lang.
Kung iisipin nyo, pampered ang mga squatters dito sa atin. Isipin mo, bibigyan ka ng bahay ng gobyerno, after ilang taon ibebenta mo, mag squat ka ulit…. tapos gigibain ka ulit ng gobyerno, tapos bibigyan ka ng bahay, tapos bebenta mo ulit…. paikot-ikot lang di ba?
At eto pa, nagpasabog pa ng mga pill boxes ang mga kupaloids. At tinamaan ang mga miyembro ng demolition team.
So kumakatok po ako sa human rights ek ek…
Pero pag ang mga squatter ang nasaktan, ay sus… lahat ng asunto andyan. Pero pag ang nasa gobyerno ang nasaktan, iyak na lang sila?
Aminin man natin o hindi, malaking porsyento ng mga krimen na nangyayari sa kamaynilaan e galing sa mga squatters area.
So why take chances na hayaan sila dun at hayaan manirahan?
Sagot: Dahil marami sa kanila ang botante. Tangna.
E kung paano kaya kung pag nag squat ka tapos ang parusa e putol titi? O kaya isasarado ang butas ng keps?
Mag Squat pa kaya sila???
Ayon sa artikulong ito na nasagap ng mga mananaliksik mula sa http://tapsiboy.com/?p=35 ay nasa “squatters area” ang malaking porsiyento ng kadahilanan sa paglaganap ng krimen. Subalit bakit patuloy pa rin sila na pagtira sa lugar na hindi nila pagmamay-ari? Sapagkat nakikinabang ang mga politiko sa kanila. Lalong lalo na sa panahon ng eleksyon. Malaki rin kasi ang porsiyento ng mga botante na nasa kanila. Samakatuwid, mismong ang gobyerno ang nagkukusinte sa kanila. Patuloy ang ganitong gawain kung ang mismong gobyerno ay hahayaan sila na gumawa ng masama. Dahil lang sa malaki ang pakinabang nila dito ay papangalagaan nila ang isang lugar kung saan alam ng lahat na sa “isang lugar” na ito ay laganap ang masasamang tao.

DELIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay lamang sa mga krimen dito sa Kamaynilaan. Ang Kamaynilaan ay napupuno ng mga krimen sa lubos na nakakasira sa imahe ng bansa. Ang mga kadahilanan ng paglaganap ng krimen ay siya ring matatalakay kasabay ng pagbibigay ng solusyon ditto. Patutunayan ng pag-aaral na ito na masama ang naidudulot nito sa mga mamamayan lalong lalo na sa mga inosenteng nagiging biktima nito.
BALANGKAS

I. Introduksyon
II. Introduksyon sa Paksa
III. Kondisyon ng Paligid sa Kamaynilaan
IV. Mga Pagsusuri
V. Konklusyon at Rekomendasyon

KATAWAN

Hindi kaila na laganap na talaga ang krimen sa buong kamaynilaan. Ano ang ba ang ibig sabihin ng krimen? Ang krimen ay isang masama/ maling aksyon na may katumbas na hatol batay sa kung gaano kabigat ang iyong nagawa.
Ayon sa artikulong New Manila QC: Illegal Settlers na nasagap ng mga mananaliksik mula sa http://tapsiboy.com/?p=35 ay nasa “squatters area” ang malaking porsiyento ng kadahilanan sa paglaganap ng krimen. Subalit bakit patuloy pa rin sila na pagtira sa lugar na hindi nila pagmamay-ari? Sapagkat nakikinabang ang mga politiko sa kanila. Lalong lalo na sa panahon ng eleksyon. Malaki rin kasi ang porsiyento ng mga botante na nasa kanila. Samakatuwid, mismong ang gobyerno ang nagkukusinte sa kanila. Patuloy ang ganitong gawain kung ang mismong gobyerno ay hahayaan sila na gumawa ng masama. Dahil lang sa malaki ang pakinabang nila dito ay papangalagaan nila ang isang lugar kung saan alam ng lahat na sa “isang lugar” na ito ay laganap ang masasamang tao.
Isa pang nabasang artikulo ng mga mananaliksik na may pamagat na “Ang Lumalalang Krimen sa Bansa”, mismong ang gobyerno nga raw ang gumagawa ng krimen sa ating bansa. Halimbawa na rito ay ang dating Pangulong Erap Estrada. Hindi ba’t nakusahan siyang nagnakaw ng pera sa ating bayan? Ayon pa dito, “Hindi alam ng pitak na ito ang tamang kasagutan sa mga katanungang nabanggit. Sapat na marahil na tawagan ang pansin ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa lumalalang krimen at problema ng katahimikan sa bansa sa ngayon. Ito ay isang napapanahong hamon sa ating lahat na nagnanais isulong at ibangon ang gulapay na estado ng bansa --- 103 taon matapos makamit ang kalayaan buhat sa pagkakaalipin at simulang tumindig sa sariling mga paa”.
May mga grupo ring pangmilitar ang nagpapalaganap ng krimen sa bansa. Halimbawa na lang dito ay ang Abu Sayaff. Mayroon silang kidnap-for-ransom na gawain. Binibiktima rin nila ang mga dayuhang dumadalaw sa ating bansa. Walang awa nilang pinapatay ang mga ito. Ano na lamang ang magigigng tingin ng ibang bansa sa atin? Imbis na balik balikan nila ang magagandang tanawin at natatanging kayamanan na maipagmamalaki ng ating bansa ay hindi na sila maeengganyong bumisita dito dahil sa mga nangyayari.
Mayroon ring mga nababalita ngayon na mga sindikato na gumagawa ng krimen. Gaya na lang ng hablot-bag gamit ang kotse, yaong mga kumukuha ng mga bata na nasa edad 12-19 at kinukuha ng mga lamang loob ng mga ito. Hindi mo alam kung ano nga ba ang mga motibo ng mga ito. Hindi makatao ang gingawa ng mga taong ito. Kung umasta sila ay para silang hindi tao.
Hindi na maitatangging hindi na ligtas ang buong kapaligiran ng Kamaynilaan. Marami ng pakalat-kalat na criminal o masasamang dito. Siguro ay panahon na ngayon uang bigyang solusyon na ang malaking salik na nagpapapangit ng imahe ng ating bansa.

KONGKLUSYON/REKOMENDASYON:


Ayon sa mga mananaliksik, napatunayan na ang isa sa dahilan ng krimen sa Kamaynilaan ay ang gobyerno dahil hindi nila pinapaalis ang mga tao na nakatira sa squatters’ area. Napapakinabangan nila ito sa pagkuha ng boto. Ang kahirapan ay malaki din ang naiaambag sa pagtaas ng bilang ng krimen, maraming mga tao ang gumagawa ng krimen para lang may maipakain sa kanilang pamilya. Hindi na nila naisip na masama ang kanilang ginagawa.



Kung lahat ng tao ay mabibigyan ng sapat na trabaho, maaaring mabawasan ang mga krimen sa Kamaynilaan. Kung magkakaroon tayo ng pagkakaisa, malalabanan natin ang paglaganap ng krimen. Mahigpit na pagpapatupad ng mga kaparusahan sa mga gagawa ng krimen. At matinding pa-iingat upang hindi tayo maging biktima.



Nagbibigay ng negatibong epekto sa Kamaynilaan ang patuloy na paglala ng mga krimen. Nawawala na ang tiwala ng mga dayuhan kaya bumababa ang na ang antas ng turismo sa Maynila. Maraming mga mamamayan ang hindi makapunta sa Maynila dahil na rin sa takot. Umaatras ang mga namumuhunan dahil sa iniisip nila na nanganganib ang kanilang negosyo. Masasabi ng mga mananaliksik na lubhang nagbibigay dungis ang mga krimen sa lipunan na ginagalawan ng bawat Pilipino